Song Lyrics

"Wala Ng Ibang Panginoon"

by Ernie Palacio
Album: Hari Ng Mga Hari

Ikaw O Dios ang lumalang ng sandaigdigan
Kami'y nabuhay sa iyong kapangyarihan
Sa iyong salita, nabuo ang sangnilikha
O Diyos tunay na wala kang katulad

Ikaw lamang Hesus ang aming itatanghal
Anak ng Diyos at tunay na nagmamahal
sa iyong harapan luluhod bawat nilikha
At magsasabing ikaw ang Dios na dakila

[Chorus]
Wala ng ibang Panginoon
Sa langit at lupa at sa habang panahon
Ang ngalan mo Hesus ay aming itataas
Wala ng ibang Panginoon

Ang mga bansa ay nasa iyong mga kamay
Bawat tribo ay nasa iyong kalooban
Walang isang nilalang ang makapagyayabang
O Dios tunay na ikaw ay dakila

Sa iyo lamang Hesus aming iaalay
Ang Pilipinas na iyong minamahal
Yan ay tinubos ng iyong dugong nabuo
O Dios kami ay iyong pagharian


Music Video
Comments / Requests